Huling Nota


Tapos na ang kanta
Tapos na ang parada
Dumaan na ang pasko't bagong taon
Napakarami ng lumipas na panahon
Ano meron pa bang patutunguhan?
Dumaan na ang chorus ng paborito kong kanta
Kahit ata yung mga janitor at guard sa school naisayaw ko na
Isasayaw mo pa ba ko?
O baka naman mas gusto mong kumanta, haranahin mo na lang ako.
Ano na ba nagsisimula na yung kanta ko oh.
Kinulit ko pa si Manong para i-play yun para sayo.
Ako pa ba ang mag-aaya?
Baka naman paasahin mo lang ako
---
Wala namang isyu kung ako ang magsisimula
Di naman ako maarteng babae 'no?
Pero sa rurok ng puso ko, sana ngayon ikaw naman ang mag-aya.
Babae rin kasi ako
---
Wala na tapos na ang kanta,
Naitugtog na ang huling nota,

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Featured Posts

Brains and Beauty

"Negativities in life are essential for only in subtracting you can make a difference..."  That is how I started my introduct...