Hindi ako kulang sa asukal,
Mas lalong hindi kapos sa asin,
Ayaw lang kitang masakal,
Kaya pagkakagawa ng mga rekados ko'y masinsin.

Ganyan kita kamahal,
Metikulosa ako dahil sa aki'y ika'y espesyal,
Normal man sa iyong paningin,
Sana ang mga gawa kong inalay sayo'y mapansin.

Bawat gulay, maingat na hinimay,
Bawat karne siguradong ang pinakamalaman ang maiibibigay,
Hindi man kasing malasa o kasing garbo ng iba,
Bubusugin naman kita sa taba.

Hindi man ako kasing asim ng siningang,
O ng sa Bicol Express ay kasing anghang,
Sa pagmamahal ko sayo'y tiyak walang makakalamang.
Dahil ang kare-kareng ito'y sayo lamang.

Mahal kita di ko man maparamdam,
Di man kasing linamnam,
Pasensya na 'di kasi kasing tamis ng iba,
Pero sa puso't isipan ko matitiyak mong ika'y mahalaga.

Pasensya na ito lang ang paraang alam ko,
Wag mo sanang isipin na tinataboy kita palayo,
Mahal kita di ko man mapadama,
Asahan mong kailanma'y di ako lilingon sa iba.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento