Pulang Costume
Oras na para umalis sa mga rehas,
Tanggalin ang mga kadenang alahas,
Ayoko na maging si Maria Clara,
Gusto ko ng maging malaya,
Hindi na ko magiintay kay Crisostomo,
Ako na mismo ang gagawa ng pagbabago,
Ipaglalaban ko ang karapatan kong pumili,
At hindi lang basta mamamatay tulad ng sa El Fili,
Hindi ko na kailangan si Simoun,
Sa mapagkontrol na lipunang ito, ako ang hahamon,
Ako ang magiging tagapagtanggol ngayon mga 'day,
Kahit walang Kaptain Barbell at ang Panday,
Nakalimutan ko nga palang magpakilala,
Ako si Darna.
#WMSTula
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
Featured Posts
Brains and Beauty
"Negativities in life are essential for only in subtracting you can make a difference..." That is how I started my introduct...
-
"Negativities in life are essential for only in subtracting you can make a difference..." That is how I started my introduct...
-
No, I don't wanna be that little-miss-perfect anymore, I don't wanna be that someone who will always be there to catch you whenev...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento