Ang pagpili sa bagay na taglay mo na ay kasakiman. At ang hindi mo pagpili sa bagay na wala ka pa ay kahangalan.
Marahil iniisip ng karamihan na ang pagpili sa karunungan ang pinakamagandang sagot. Ngunit, ang nagdudunung - dunungan lamang ang siyang pumipili ng karunungan dahil, likas sa tao na piliin kung ano ang wala sa kanila.
Tayo na't magpakapilosopo. Ang tanong na into ay hango sa kwento ng isang batang naging biktima ng racism sa kanya mismong eskwelahan. Tinanong rin siya nito ng kanyang propesor na may intensyong hamakin ang kanyang kaalaman. Ang kanyang isinagot? Kayamanan.
Kahit anong piliin mo sa dalawa ay may kakayahan ka pa rin na makuha ang hindi mo pinili. Maari kang maging mayaman kapag may karunungan ka at maari mong makuha ang karunungan sa pera. Ngunit, ang pipiliin mo ang siyang magdidikta sayo kung ano ka.
Isang making pagiisip ng karamihan ang patingin sa panlabas na kaanyuan at pakikinig sa iminumutawi ng dila ang ginagawang dahilan sa basehan ng paghusga sa isang tao. Ayon, sa isang pagaaral tungkol sa kung paano kumilos ang mga taong "posh" ( o mga sosyal), ay bihira lamang nilang ipangalandakan ang kanilang kayamanan. Hindi nila tinatawag na IPhone ang kanilang IPhone kundi "phone" lamang dahil hindi sila partikular sa tatak.
Kapag mas lalo mong pinipilit na magmukhang matalino at mas lalo kang magiging bobo at kapag mas lalo mong pinipilit na mag mukhang mayaman ay mas lalo kang nag-aasal dukha.
Taliwas sa naniniwala ng karamihan, kapag mas lalo mong ginagaya ay mas lalo kang nagmumukhang kaiba rito. Tulad na lang ng mga pumipili sa karunungan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento