Ingrata at Torpe

Ingrata at Torpe Hindi ang mga Hypebeast at ExB, Hindi rin ang mga jeje, at rich kid wannabes, Ang tunay na kanser ng lipunan, Ang mga taong sinusuka ang pagkamamamayan, Hindi ang mga rapper at mga Fliptop, Mas lalong hindi ang mga kantang pabebe at ang mga pelikulang Plipino na sa sinehan ay flop, Ang mga basura ang bumabasura sa Inang Bayan, Mga ingratang parang buwaya sa paghingi ng karapatan, At ang mga torpe na ang pagmamahal sa bayan ay di kayang ipaglaban, Mga makapal ang mukha na sabihing 'ako'y Pilipino', Ni ang Lupang Hinirang pinapalitan mo ng mga kabastusang liriko, Sa batas jus sanguinis man ikaw ay mamamayan, Sa puso at isip isang kang kanser ng lipunan, Di hamak na mas mabuti ang mga jejemon sa kalsada na mas magaling sa sariling wika, Kesa sa nagdudunung-dunungan sa wikang banyaga, Hindi sila ang salot kung hindi ikaw, Ikaw na ingrata at torpe sa pagmamahal sa sariling bayan na ang balat ay kasing kapal ng kalabaw, Hindi sila ang nakakahiya, Kundi ang mga taong sila mismo sa Inang Bayan ay nagpapahiya, Ginagamit, binababoy at wina-walang hiya, Nagpapaalipin sa banyaga. Hindi maipakita ang pagmamahal, Ni hindi marunong tumanaw ng utang na loob sa bayan - Kapal. #WMSPoems

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Featured Posts

Brains and Beauty

"Negativities in life are essential for only in subtracting you can make a difference..."  That is how I started my introduct...